Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag-iimbot at buong katapatan
Sisikapin kong maging tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita, at sa gawa.

photo courtesy of smartgilasbasketball.com
Advertisements